Hindi ko kasi mahanap yung USB ko na iniwan niya sa may poste ng gate namin (see State Of Emergency). Nahulog ata sa damuhan. Eh madilim pa naman. Hindi na lang kasi niya binigay eh. Kainis.
Buti online siya. Kaya tinanong ko siya. Sabi ko may sentimental value yung USB. Bigay pa kasi sakin yon ng asawa ng pinsan ng pinsan ko (ka-close ko kasi eh) bago sila umalis papuntang Amerika. Hindi nga ako bumibili ng bagong USB dahil bukod sa wala akong pambili, paborito ko talaga gamitin yung mga bigay lang sakin. Mas masarap kasi gamitin kapag regalo sayo, di ba?
Kaya ayun, na-guilty ata siya kaya sabi niya pupunta daw siya dito sa bahay. Sabi ko wag na kasi gabi na (11:00PM na yun). Matigas na naman ulo. Palibhasa may kotse siya kaya okay lang lumabas ng kahit anong oras. Delikado din kasi ang daan kapag gabi. Kahit anong pagpipigil ko. Tumuloy pa din ang mokong. Maya maya andyan na sa labas ng gate. Lumabas ako. At ginawa na namin ang ipinunta niya samin. Buti na lang at nahanap namin yung USB. Nahulog nga, sa bandang ibaba lang ng poste.
Pagkatapos, hinatid ko na siya sa kotse niya. At pagkatapos, ang nasabi ko na lang ay, "Sige, umalis ka na. May topak ka talaga." Tumalikod ako at pumasok na ng gate, habang siya nag-drive na paalis. Nag-text siya a few minutes later. Sabi nya, "Babalik na ko sayo."
Shit. Seryoso ba to? Totoo ba to?
Sabi ko naman, "After what? After this? I need an explanation Majorie. Yung maayos."
"Hinde. Pinaalis mo na ko agad eh. Kakausapin pa sana kita," ang reply niya.
"Hindi mo agad sinabi eh. Eh di sana okay na. Wag tayo dito mag-usap. Gusto ko sa personal. Sa personal tayo naghiwalay. Kaya kung magkakabalikan man tayo, dapat sa personal din," ang huli kong text.
"Okay. See you later. I miss you," huli niyang reply.
Kung kelan kami ulit magkikita, hindi ko pa alam. Kung pwede lang bukas na bukas din. Kaso madami pa ko gagawin. At hindi ko din sigurado kung ano nga ang mangyayari. I still have to hear her explanation. Pero kelangan pa bang paliwanagan ang pusong nagmamahal? Ang pusong nagmamahal, tanga. Kaya hindi ito makakaintindi ng kahit ano mang logic hanggang sa bugbog na ito ng sobra. Kung ano man ang mangyayari, bahala na.
Eto lang ang tanong diyan eh: may dapat pa ba siyang balikan?