
Mamaya tuloy nyan, baka kapag nakakita tayo ng magnobyong ang isa ay pangit at isa naman ay kagandahan/kagwapuhan ay isipin na agad natin na may deperensya sa mata ang isa sa kanila. O di ba, discriminating? Hay... Wala na nga bang true love sa mundong ibabaw? Sorry kung medyo corny ha, pero if iisipin mo, yun na din ang sinasabi nila. Paano kaya kung magpatingin nga sa mata yung visually challenged na kabiyak? Eh di may chance na iiwan nya (or magkaroon siya ng second thoughts sa relasyon nila) ang asawa/nobyo niya kapag luminaw na ulit yung paningin nya? Kawawa naman yung pangit na asawa/nobyo. Tsk tsk...
Baka naman iniisip nyo na kaya ako apektado masyado ay dahil sa ako'y pangit? O baka dahil sa ang GF ko ay pangit? Haha... Nagkakamali po kayo. May itsura naman akong tao, at maganda naman ang aking minamahal. Hehe... Ayoko lang talaga yung advertisement na yon.
Hindi ko alam kung naisip din ba ng company na yun yung napansin kong isa pang kahulugan ng advertisement nila. Or ginawa nila yun just for entertainment purpose lang talaga. Pero sana, wala na ulit yung mga ganung klaseng mga patalastas.
Pinoy nga naman, basta makabenta lang...
0 comments:
Post a Comment