Thursday, April 9, 2009

Of Swimming, Alcohol, Blogging, India, and Komiks

Thursday, April 9, 2009
Actually, wala akong masabi. Hehe...

Ilap pumasok sa utak ko ang mga ideas ngayung gabi. So, nakatunganga lang ako halos ngayun sa monitor ng PC ko at nag-iisip ng masasabi.

Anu n
ga ba? Hmmm...

Nito lang kasi, galing ako sa binyag ng cousin ko sa Antipolo. May overnight swimming wit
h my cousins, kaya sumama ako. At nag-swimming kami magdamag. Hehe... Napasukan siguro ang utak ko ng madaming tubig ng pool (na may turkak, ihi ng mga bata, libag ng mga lumangoy, at iba pang katas mula sa katawan ng mga lumublob sa pool; pati na yung mga paa), kaya ayun medyo nag-malfunction na ngayun. Haha...

O siguro, dahil lan
g sa may tama ako ngayun kaya ganun. Kakaubos lang naming dalawa ng pinsan ko na 'Boracay'. Inumin na ginawa ko kanina (c/o Kuya Bodjie) na pinaghalo-halong Generoso, Milo, Nescafe, at Condesada. Sa mga walang alam sa alak, o yung mga hindi umiinom (kaawan kayo nawa ng Panginoon), siguro nakakadiri pakinggan. Di ko din ma-imagine yung lasa nung sinabi sakin ng pinsan ko. Generoso na may Milo, Kape, at Gatas?! Ampf. Pero para sa mga wala ng atay dyan, malamang alam nila ang lasa ng inumin na to, at kung gaano ito kasarap. Pero malamang hindi din dahil sa alak.

Hmmm...

Siguro, namimiss ko lang ang aking Hubbymaylabsosweet kaya ganun.Tagal ko na din hindi nakikita yun eh. Anu kaya ginagawa nya ngayun? Iniisip nya din kaya ako sa mga oras na to? O malalim na siyang natutulog ngayun habang humihilik? Hay...


Kamusta nam
an kayo? Medyo depressed pa din ako right now. Kasi naman, wala pang nagvi-view sa blog ko kahit isa. Kung binabasa mo na to ngayun, it means meron na (malamang komang). Hehe... Sana meron na. Pinipilit ko naman na maging maganda at interesting ang blog ko. Haha... Pero kung wala talaga, eh di wala akong magagawa. Ilan ba ang blog sa mundo? Milyon milyon siguro. Dito sa Pilipinas malamang na daanga libo na. What are the chances na may makadaan dito sa blog ko at maging interesado? Kahit naman may mapadaan, kung hindi sila interesado (o kung poreyner sila at hindi nila ma-gets ang mga pinagsasasabi ko ngayun) eh din wala ding magbabasa. Haha... Sabagay, ganito naman siguro ang mga starting bloggers. Kahit siguro yung mga sikat na bloggers ngayun eh ganito din nagsimula. Sino ang mga idol ko sa blogging? Walang iba kundi sina Unkyel Batjay at Jay Panti (na kapwa may mga libro na). Gusto ko din maging gaya nila. Madaming naghihintay at nagbabasa ng mga sinusulat nila (or in this case, tina-type). So konting tiyaga lang siguro. Hehe... Ayoko naman ipagsabi sa mga kakilala ko yung blog ko. Bukod sa I want to have an anonymous identity, alam kong hindi din sila magiging interested. Anu naman pake nila sa mga sasabihin ko dito kung makakakwentuhan ko din sila diba? Haha...

Hmmm... Magpapahinga na lang muna ko siguro sa pagba-blog. Bakasyon muna. Hanggang may maisip ulet akong mga ideya. Or magbabasa muna ko ng madami pang sikat na blog para matutunan ko ang mga important things to consider if you want to be a succesful blogger.


Nga pala, watch the movie 'Slumdog Millionaire'. It's a very good movie. No doubt na nanalo ito ng madaming awards sa Oscar, including Best Picture. It's about an 18 year old man na nanalo sa Who Want to be a Millionaire? At dahil don, pinaghihinalaan siya ng mga pulis na nandadaya sa game. Sino ba namang slumdog o squatter ang makakasagot mahihirap na questions kung wala namang pinag-aralan? Kaya nung inaresto yung bida, kinuwento niya sa mga pulis ang buhay nya at kung ano ang relevance nung mga tanong sa game sa buhay nya. At masasabing kong sobrang ang swerte talaga nya. May love story ding involve, which is a very good one. Sa India ang setting ng movie, so makikita mo sa movie ang itsura ng slums doon. And I'm going to say na mas malala ang povery doon kaysa dito. Naisip ko tuloy na never kong gugustuhin maging taga doon. Malalaman mo kung mapanood mo yung movie.

Also, kabi
bili ko nga lang pala ng The Panti Briefs and Liners (4th installment ng Kikiam Experience ni Jay Panti) at Kikomachine Komix (ni Manix Abrera). Hanggang ngaun, pinapatawa pa din nila ko ng malakas. Kaya yung mga books nila are must-reads. Hindi sayang ang pera pambili dahil sobrang entertaining. Ewan ko na lang lung hindi ka pa matawa sa mga yun; try mo pacheck-up baka may problema na sa utak mo; or pwede ding sadyang KJ ka at wala ka lang sense of humor. In that case, pakamatay ka na. Bwahaha...

Till my next post guys. Keep safe.

0 comments:

Post a Comment

 
Omerta #3 ◄Design by Pocket, BlogBulk Blogger Templates