Saturday, April 25, 2009

Bittergourds

Saturday, April 25, 2009
Hayyy... Sunday na naman; thank God! Nakapagpahinga na din ako sa wakas from the workload last week. Medyo matagal na din mula ng last post ko. I've been very busy with schoolwork. Grabe ang summer classes. Aside from nakakatamad siya pasukan, ang inet pa ng panahon! Whew! Grabe humidity dito sa Pinas. Huhu... Sarap tuloy magbabad sa beach o sa pool... O magpunta sa malamig na place. :)

Anu anu ba ang mga nangyari last week? Hmmm... Wala naman masyado. Nakipag-break lang naman ang GF ko sakin last sunday. Hehe... Wala daw kasi akong time sa kanya eh. Kaya ayun, tsaka may hahanapin daw siya ng kung ano. Kung anu man yun, hindi ko na alam. Ayaw ko din naman itanong kasi hindi din naman niya sasabihin. Kapag nahanap na daw niya yung bagay na yun, babalik na daw siya sakin, kaya sana eh available pa ko. Sows. Well, hindi naman ako naghahanap ng iba ngayon eh. Kasi hindi pa din ako maka-get over, kaya wag siya mag-alala. Kaso hindi na ko umaasang babalik pa siya. Mas mabuti ng hindi mag-expect di ba? Iba kasi kapag babae ang nakikipaghiwalay. Huhu...

Maayos naman ang pagiging pag-uusap namin. Kalmado lang. Medyo naging bitter lang ako after that for the first few days. Epekto siguro ng "matinong break-up". Hang-over kumbaga. Haha... Pero ngayun, ayos na ko. Focus na lang sa mga dapat pang ayusin. :)

Hindi ko na pala natutupad yung plano kong lifestyle change. Hehe... Dahil sa dami na din ng trabaho. Isa pa, nakakatamad eh. Nawalan na ko ng determination na
ipagpatuloy. Ni hindi ko pa nga ata nasisimulan eh. Haha... O well, ganun lang siguro talaga.

Tae yung mga pic sa itaas. Haha... Emo!

Eto isang book na gusto ko mabasa (pic sa left). Hehe... Mukhang very informative.

1 comments:

xtian

just move forward. you dont deserve somebody like her. dami dyan.

Post a Comment

 
Omerta #3 ◄Design by Pocket, BlogBulk Blogger Templates