Wednesday, April 29, 2009

Walang Kwentang Post (Part 1)

Wednesday, April 29, 2009 7
Pumunta siya dito kanina.

Hindi ko kasi mahanap yung USB ko na iniwan niya sa may poste ng gate namin (see State Of Emergency). Nahulog ata sa damuhan. Eh madilim pa naman. Hindi na lang kasi niya binigay eh. Kainis.

Buti online siya. Kaya tinanong ko siya. Sabi ko may sentimental value yung USB. Bigay pa kasi sakin yon ng asawa ng pinsan ng pinsan ko (ka-close ko kasi eh) bago sila umalis papuntang Amerika. Hindi nga ako bumibili ng bagong USB dahil bukod sa wala akong pambili, paborito ko talaga gamitin yung mga bigay lang sakin. Mas masarap kasi gamitin kapag regalo sayo, di ba?

Kaya ayun, na-guilty ata siya kaya sabi niya pupunta daw siya dito sa bahay. Sabi ko wag na kasi gabi na (11:00PM na yun). Matigas na naman ulo. Palibhasa may kotse siya kaya okay lang lumabas ng kahit anong oras. Delikado din kasi ang daan kapag gabi. Kahit anong pagpipigil ko. Tumuloy pa din ang mokong. Maya maya andyan na sa labas ng gate. Lumabas ako. At ginawa na namin ang ipinunta niya samin. Buti na lang at nahanap namin yung USB. Nahulog nga, sa bandang ibaba lang ng poste.

Pagkatapos, hinatid ko na siya sa kotse niya. At pagkatapos, ang nasabi ko na lang ay, "Sige, umalis ka na. May topak ka talaga." Tumalikod ako at pumasok na ng gate, habang siya nag-drive na paalis. Nag-text siya a few minutes later. Sabi nya, "Babalik na ko sayo."
Shit. Seryoso ba to? Totoo ba to?

Sabi ko naman, "After what? After this? I need an explanation Majorie. Yung maayos."

"Hinde. Pinaalis mo na ko agad eh. Kakausapin pa sana kita," ang reply niya.

"Hindi mo agad sinabi eh. Eh di sana okay na. Wag tayo dito mag-usap. Gusto ko sa personal. Sa personal tayo naghiwalay. Kaya kung magkakabalikan man tayo, dapat sa personal din," ang huli kong text.

"Okay. See you later. I miss you," huli niyang reply.

Kung kelan kami ulit magkikita, hindi ko pa alam. Kung pwede lang bukas na bukas din. Kaso madami pa ko gagawin. At hindi ko din sigurado kung ano nga ang mangyayari. I still have to hear her explanation. Pero kelangan pa bang paliwanagan ang pusong nagmamahal? Ang pusong nagmamahal, tanga. Kaya hindi ito makakaintindi ng kahit ano mang logic hanggang sa bugbog na ito ng sobra. Kung ano man ang mangyayari, bahala na.

Eto lang ang tanong diyan eh: may dapat pa ba siyang balikan?


Ikaw, Tunay Ka Bang Lalake?

"Wahahahahahahahahahahahaha!"

Yan lang ang naririnig ko sa sarili ko habang binabasa ko ang bawat post sa isang blog na nadiskubre ko kahapon lang. Etong blog kasi, dinidikta niya kung ano nga ba kahulugan ng pagiging lalake. At dahil don, nirerate ng blogger ang mga kilalang tao o characters base sa mga katangian nito. Nakakatawa siya kasi medyo absurd yung mga reasons kung bakit ang tingin niya sa isa eh tunay na lalake, samantalang sa iba eh huwad na lalake. At meron pa mga nakikisawsaw. Natural yung mga nag-cocomment sa site niya. Check it out here. :)

Ano nga ba ang sukatan ng pagiging tunay na lalake?

Tuesday, April 28, 2009

Of Coming Back

Tuesday, April 28, 2009 0
Swallowed in the Sea
Coldplay

You cut me down a tree and brought it back to me
And that's what made me see where I was going wrong.
You put me on a shelf and kept me for yourself;
I can only blame myself, you can only blame me.

And I could write a song, a hundred miles long.
Well that's where I belong, and you belong with me
And I could write it down, and spread it all around.
Get lost and then get found or swallowed in the sea.

You put me on a line and hung me out to dry
And darling, that's when I decided to go to sea.
You cut me down to size and opened up my eyes;
Made me realize what I could not see.

And I could write a book, the one they'll say that shook
The world and then it took, it took it back from me.
And I could write it down and spread it all around.
Get lost and then get found and you'll come back to me
Not swallowed in the sea.

And I could write a song, a hundred miles long.
Well that's where I belong, and you belong with me.
The streets you're walking on, a thousand houses long.
Well, that's where I belong, and you belong with me.

Oh, what good is it to live with nothing left to give.
Forget, but not forgive, not loving all you see.
All the streets you're walking on, a thousand houses long.
Well, that's where I belong, and you belong with me
Not swallowed in the sea.

You belong with me, not swallowed in the sea.
Yeah, you belong with me, not swallowed in the sea.


Tae. Ayoko na mag-pakaEMO. Haha... I should be back on track. Tutal sabi naman niya ay babalik siya, for sure. So okay na sakin yun. Focus na lang muna sa ibang bagay. I'll wait. :)

Club DUD

I chanced upon this website. Hehe... Parang Photofunia, mas okay nga lang siya. Here's the link. Enjoy! Hehe...

Gumawa ako ng mga pics using my cousin's faces. Haha... Laugh trip!


-Here's Jego... Favorite nya kasi si Mr. Bean eh.-

-Eto naman kay Aigel... Haha-

-My Kuya Bodjie! Hehe... Seksi nya no?-

-Here's Kuya Mike, ala Neo...-

-Another one of Kuya Bodj's. Haha! Eto pinakafavorite kong pic! :)-

-Si Kuya Mike ulet... Haha-


P.S. Sorry Jay! Hehe... Di kita nagawan eh. Next time gawan kita... Miss you guys! See you soon! Mwah... :)

Kwaderno

Kakatapos ko lang basahin ang 'The Notebook' ni Nicholas Sparks. May movie version din siya. Ayoko na ilahad yung storya dito, nakakatamad. Basahin nyo na lang. O kung ayaw niyong magbasa, panoorin niyo na lang. Wag kayong tamad, gaya ko.

Pinaiyak ako ng palabas na yon. Pinanood ko siya in the middle of the night. Buti na lang mag-isa lang ako noon kasi talagang pinahagulgol niya ko. Hehe... Totoo naman eh. Kakaiba kasi yung love story nila, at napakaganda nung ending. Medyo tragic nga lang.

Nakakainggit nga yung characters sa story eh. Buti pa sila naranasan nila yung ganun. It's a rare phenomenon, yung ganun. Kaso fiction lang ata yung story. Sayang. Malamang wala ng ganon ngayun sa panahong to.

Hindi rin nakatulong yung pagbabasa ng 'The Notebook' sa pakiramdam ko ngayun. Lalo lang akong nalungkot. Hehe...

The book is a must-read; and the film is a must-see. Tingin ko kahit barako kaya nitong paiyakin. Haha... 10/10 ang scoring ko for this masterpiece :)

State Of Emergency

Sadness lingers within me right now.

Why? Why is she so hard to deal with? Shit.

Earlier, nag-pangabot kami sa chat. Dahil nasa kanya ang USB ko (she borrowed it from me before we broke up), hinihingi ko na. Gusto niya ako ang kumuha sa kanya non. At doon nagsimula ang another pagtatalo. Pagtatalong pambata, which I find very irritating. Kelan ka ba magiging seryoso? Lahat ba sayo biro? The argument ended up in another immature decision. Pumunta siya dito sa bahay (nag-drive actually) at sinauli niya ang USB in the middle of the night; iniwan lang niya sa may gate namin. Didn't even bother to hand it to me personally. Baka daw kasi hindi ako makatulog kapag hindi ko nakuha agad. Takte.

This post is for you. You keep on saying na babalik ka pa. May hahanapin ka lang na something; ayaw mo naman sabihin kung ano. Sana nga. Sana lang. I am hoping, but not expecting. You keep on talking in a cryptic way; that, I couldn't understand. Can you please be direct to the point?

Maybe I just deserve this. For what I've done to you before. Nagawa ko ng dalawang beses sayo. At ngayon, nagawa mo naman sakin. Pero hanga ako sayo, kasi nagawa mo ng maayos ang sayo. Alam naman natin na yung akin ay ginawa ko in a very immature way. Yung paraan na talagang masakit. Yung paraan na wala ka na talagang magagawa.

Naalala ko nung araw na yon. Yun din ang araw na iniwan kita noon 3 years ago. Di ko alam kung tadhana ba talaga o nagkataon lang. Nakakatawa pero mas nakakalungkot. Nung una, nag-aalangan ka pa na sabihin. Magkatabi tayo sa terrace namin. Pinilit kita kasi isa yang problema. And problems between a couple shouldn't be left unsolved. At yun na nga, after an hour of persuading you to spill the beans, nasabi mo na. Sabi ko na yun ang gusto mong mangyari. Masakit. Sobra. Pero may dahilan ka (ngunit hndi ko alam kung totoo ba yung sinabi mo) at pinilit ko yun intindihin. Hindi kita pinigilan dahil yun ang gusto mo. Ayaw kong mahirapan ka. Tanga ba ko dahil sa ginawa ko? Dapat ba pinigilan kita? Tanga nga siguro ako. Tinanggap ko lang kung ano ang mga pinagsasabi mong pagkukulang ko. Sinabi mo na ikaw ang may problema, na ikaw ang naguguluhan. Pero mali ka, kung titignan mo ng buo. Sakin pa din umiikot ang pagkakamali. Umalis ka sa bahay non na OK pa ang pakiramdam ko.

Ngunit makalipas ang ilang araw. Ako'y labis na nalulumbay. Namimiss kita, natural naman siguro yun. At napaisip ako kung ano ba talaga ang dahilan ng pagkawala ng pagmamahal mo sakin. Pano kung may iba ka na palang mahal? Hindi ko kaya yon. Masakit yung mga nasa imahinasyon ko. At dahil don, sumama ang loob ko. Kasalanan ko na naman.

Pinakawalan kita dahil mahal kita. At dahil na din sa ayokong mahirapan ka sakin. Bakit ko ipipilit ang sarili ko sayo kung di mo na ko mahal, di ba? Alam ko maaga tayo nagsimula, kaya siguro gusto mo maranasan ang ibang bagay na tanging single lang ang makakagawa. Gusto mo ng kalayaan? Pero maaaring hindi din, kasi nagagawa mo naman lahat ng naisin mo; at wala naman akong tutol sa mga iyon. Hayyy...

Habang lumilipas ang bawat minuto, pabigat ng pabigat ang pakiramdam ko. Gusto ko na to itulog. Ayaw ko ng maramdaman to. Lulunurin ko na lang ang sarili ko sa trabaho at sa mga gawain sa school. Buti nakapagtira pa ko ng pagmamahal para sa sarili ko. Kasi kinuha mo na yung halos lahat eh. Buti at marunong akong umunawa. Pero daig pa din talaga ng puso ang utak. Kahit anong gawin ko ngayun pagkakalma sa isipan ko, sumasakit naman ang dibdib ko. Tae. Nahihirapan ako huminga ngayun sa totoo lang. One more proof that you really mattered to me, ginugulo mo ang buong sistema ng katawan ko ngayun.

Isang linggo na ang nakakalipas ngunit ganun pa din pakiramdam ko. Di pa din ako makaabante. Siguro dahil sa gusto ng katawan kong maghintay. Pero sabi ng isipan ko na wag na. Hindi ko nga kaya. Matured man ako mag-isip, wala pa din yun kwenta.

Sa ngayun, hindi ko pa kaya na wala ka. Mukha lang siguro okay lang ako. Pero gusto ko malaman mo na parang akong may nakataling malaking bato sa leeg. Mabigat.

Bumalik ka na kasi. Kung may balak ka pa nga, pakibilisan naman o.

-Poor guy... Tsk tsk...-

il Gazzetta di Vita e Morte

Hooray!

Tagal ko ng naghihintay for this...
Sa wakas, meron na kong first follower! Haha...
Salamat Christian! Astig din yung blog mo... :)

This post is for you. Thanks again my new friend.
Ingat lagi and God bless! More power sa blog mo...

(pls. visit my friend's blog: The Chronicles of Life and Death)

Saturday, April 25, 2009

Bittergourds

Saturday, April 25, 2009 1
Hayyy... Sunday na naman; thank God! Nakapagpahinga na din ako sa wakas from the workload last week. Medyo matagal na din mula ng last post ko. I've been very busy with schoolwork. Grabe ang summer classes. Aside from nakakatamad siya pasukan, ang inet pa ng panahon! Whew! Grabe humidity dito sa Pinas. Huhu... Sarap tuloy magbabad sa beach o sa pool... O magpunta sa malamig na place. :)

Anu anu ba ang mga nangyari last week? Hmmm... Wala naman masyado. Nakipag-break lang naman ang GF ko sakin last sunday. Hehe... Wala daw kasi akong time sa kanya eh. Kaya ayun, tsaka may hahanapin daw siya ng kung ano. Kung anu man yun, hindi ko na alam. Ayaw ko din naman itanong kasi hindi din naman niya sasabihin. Kapag nahanap na daw niya yung bagay na yun, babalik na daw siya sakin, kaya sana eh available pa ko. Sows. Well, hindi naman ako naghahanap ng iba ngayon eh. Kasi hindi pa din ako maka-get over, kaya wag siya mag-alala. Kaso hindi na ko umaasang babalik pa siya. Mas mabuti ng hindi mag-expect di ba? Iba kasi kapag babae ang nakikipaghiwalay. Huhu...

Maayos naman ang pagiging pag-uusap namin. Kalmado lang. Medyo naging bitter lang ako after that for the first few days. Epekto siguro ng "matinong break-up". Hang-over kumbaga. Haha... Pero ngayun, ayos na ko. Focus na lang sa mga dapat pang ayusin. :)

Hindi ko na pala natutupad yung plano kong lifestyle change. Hehe... Dahil sa dami na din ng trabaho. Isa pa, nakakatamad eh. Nawalan na ko ng determination na
ipagpatuloy. Ni hindi ko pa nga ata nasisimulan eh. Haha... O well, ganun lang siguro talaga.

Tae yung mga pic sa itaas. Haha... Emo!

Eto isang book na gusto ko mabasa (pic sa left). Hehe... Mukhang very informative.

Saturday, April 18, 2009

Tentazione

Saturday, April 18, 2009 0
Just finished reading the book 'The Devil and Miss Prym' by Paulo Coelho. Ang ganda ng book, and story is very unique. It's about the village of Viscos, which had been subjected to a stranger's temptation, Miss Prym (a villager who has dreams of leaving the village to explore its outer world), and the stranger himself. The stranger, upon arriving in the village, carries a rucksack containing 11 gold bars and a question about the essence of humans. Are humans, in essence, good or evil? With this, he includes the whole village into a plot which will change the way they see life. So, basically it's a novel about temptation. So, ano nga ba ang real nature ng tao? Are we initially good or bad? Well, the answer to that (from the book) is very unexpected. Galing talaga ni Coelho mag-rationalize. :)

The novel has very good characters and a well-thought setting. Well, what do you expect with an author like Coelho? Meron din siyang magandang climax, pero nasa bandang huli pa. Coelho made a very good job with this book. Hindi niya ako na-disappoint. Hehe... Medyo bitin nga lang yung last part. Here's my most favorite line sa book: "Anyone who loves in the expectation of being loved in return is just wasting their time." Awww... It hit the target. :)

For this book, I'm giving it an 8/10. Meron din kasing mga parts na na-bored ako, but nonetheless it's very inspirational (and spiritual, at that). Praise for Coelho. :)

Wednesday, April 15, 2009

Mnogo Blagodarya!

Wednesday, April 15, 2009 0
Someone I really admire replied to my email last night. And all I can say is WOW!

Kuya Toyo, this post is for you. Thanks sa lahat ng inspiring stories! And thanks for answering my email.

More power! And may God bless you and your family. :)

P.S. Nasosobrahan na ata ako sa toyo. Haha... Btw, 'mnogo blagodarya' is Bulgarian for 'thank you very much'! :p

Monday, April 13, 2009

Playing Something Cold

Monday, April 13, 2009 0
I love Coldplay. That's a fact. Their songs are so phenomenal. I thank them for making the music industry so good. Hehe... Too much? Nah. That's how much I adore them.

Recently, they launched their new album (as if you don't know), 'Viva la Vida or Death and All His Friends'. And it was an instant hit, especially for Coldplay fans. They also had released music videos of their songs from their new album. Check out the songs 'Viva la vida' (for people who is fond of upbeat songs) and 'Lost!' (for those who like slow melodramatic songs with Chris Martin's piano skills), they are so worth your time. If you don't like Coldplay, or if you don't even know about them, I pity you! Burn in hell! Bwahaha...

Here's my current fave from their line of music videos (please watch the clip ^^;):

Sunday, April 12, 2009

Thou Shall Not Put His Name In Vain

Sunday, April 12, 2009 0
I have stumbled upon this thing sa internet. Mukha namang okay kaya ni-try ko. Ita-type mo lang yung name mo, tas ipapakita yung interpretation Here's mine:

You Are Bold and Fearless

You are usually the best at everything ... you strive for perfection.
You are confident, authoritative, and aggressive.
You have the classic "Type A" personality.


You are balanced, orderly, and organized. You like your ducks in a row.
You are powerful and competent, especially in the workplace.
People can see you as stubborn and headstrong. You definitely have a dominant personality.


You are wild, crazy, and a huge rebel. You're always up to something.

You have a ton of energy, and most people can't handle you. You're very intense.

You definitely are a handful, and you're likely to get in trouble. But your kind of trouble is a lot of fun.


You tend to be pretty tightly wound. It's easy to get you excited... which can be a good or bad thing.

You have a lot of enthusiasm, but it fades rather quickly. You don't stick with any one thing for very long.

You have the drive to accomplish a lot in a short amount of time. Your biggest problem is making sure you finish the projects you start.


You are very intuitive and wise. You understand the world better than most people.

You also have a very active imagination. You often get carried away with your thoughts.

You are prone to a little paranoia and jealousy. You sometimes go overboard in interpreting signals.


Sakto sa target yung description sa akin. Nagulat nga ako eh. Napa-wow pa. As in ganyan ang ugali ko. Perfectionist ako, check! Authoritative at aggressive ako minsan, check! Gusto ko palaging organized at may plano ang mga bagay bagay, check! Mahilig din ako makipagkompetensya, check! Uhm, hindi ako mahilig sa trouble eh. Maingat akong tao. Hehe... Madali ako ma-excite at magsawa sa isang bagay; mahilig din ako sa cramming, double check! Haha... And lastly, sobrang totoo nung last paragraph. Akong ako nga yung description. If you want to know the meaning of your name, go here.

AIDS is not my real name. Sabihin na nating screen name ko lang yon. Hehe... Adz kasi ang isa sa mga nickname ko. Ginawa ko lang AIDS para mukhang intriguing. Magkatunog naman sila eh. Haha... Wala po akong AIDS no; baka yun yung iniisip nyo.

Speaking of AIDS, pinalabas nga pala kagabi ang GMA7's World View: Think Positive. Kapalit ng Pinoy Meets World yung World View. Monthly din siya pinapalabas; kapag sunday. Last month, ang feature is Barrack and Juan. About kay Obama at epekto sa mga Pilipino ng pagkaluklok sa kanya sa pwesto. Anyways, Think Positive tackles about HIV. It features people with HIV and AIDS, and how it changed their loves; how to acquire the virus, and how to prevent it. It's a very informative show. I enjoyed watching it, since mahilig ako sa mga ganong shows. It's also good for people na hindi maintindihan o walang alam sa HIV/AIDS. It's time na din kasi na everybody should know things about the disease. Lack of information or education is one way of acquiring diseases. Kaya nga I'm always keeping myself informed eh.

Para dun sa mga naka-miss ng show, sayang. Hindi lang through sexual contact naipapasa ang HIV, kaya be careful. :)

Ang Bango ng Bulaklak

Natatawa ako dun sa mga bading na nasa K! The One Million Peso Videoke Challenge ng GMA7. Ala-miss Universe kasi yung introduction nila. They have to introduce themselves using a name of a celebrity na kamukha nila. Then, sasabihin nila yung island kung san sila galing. Pero ang pinaka-funny ay yung mga motto nila. Here's the list of what they said:

1. An apple a day, makes seven apples a week.

2. Aanhin mo ang malapalasyong tahanan kung ikaw ay naninilbihan lamang.

3. Birds of the same feather make a good feather duster.

4. Ang baklang may taga sa nguso, ngongo.

5. Ang babaeng hindi natitinag, dating kundoktora.

6. Hindi siguro ako kasing ganda ng nanay nyo, o kasing sexy ng ate nyo, dahil siguro ako ang tatay nyo.

Wahaha! Laugh trip. Sakto, kumakain ako ng dinner non. Hindi ko tuloy malunok ng maayos yung kinakain ko. Hehe...

Fish & Balls

Earlier, my family and I had a snack at SM Dasmariñas. Bumili kami ng dalawang pizza. Katatapos lang kasi namin manood ng Dragonball Evolution. While we are waiting for the pizza, bigla akong tinanong ng brother ko. "Kuya, may daliri ba ang mga isda?" tanong ni Albert. Nabigla ako sa tanong niya. Bakit naman niya naitanong yung ganong bagay? Eh samantalang nasa grade 6 na yung kapatid kong yon. "Huh? Wala, bakit?" ang naisagot ko."Eh kasi nakakita ako kanina ng pagkain dun sa isang restaurant. Ang nakalagay, Fish Fingers. Naisip ko tuloy na daliri yun ng isda," ang sabi niya. Natawa tuloy ako. Bakit nga ba fish fingers ang tawag don? Inisip tuloy ng bata daliri ng isda nga yun. Pero ayun, as a kuya, in-explain ko na lang sa kapatid ko kung anu ba talaga ang fish fingers. Sa mga nagtataka din, pagkain po yun na gawa sa fish; usually kinakamay kasi para siyang french fries. Mas malaki nga lang. Kelangan mo pa bang gamitan ng utensil ang finger foods? Hehe... Kung oo, aba'y ang arte mo naman ata ate. Hindi mo maeenjoy ang finger foods kung hindi mo kakamayin. Di pa kasi ako nakakakita ng french fries na ginagamitan pa ng utensils eh. Kung nakakita ka na, ay ewan ko na lang. Saang lupalop ka ba ng mundo galing? Haha...


-An example of Fish Fingers-

Regarding sa movie, okay naman siya. Medyo boring yung first scenes, except the fighting scenes, na talagang astig. Madami daw may ayaw sa movie. Kesyo daw sa ganun, kesyo sa ganyan. Matataas din kasi ang expectations ng Dragonball fans. Isa nga naman yun sa mga paborito at sikat na anime sa japan, amerika, at pilipinas. Pero mabuting ng meron kesa sa wala, di ba? Medyo nakakabitin nga lang kasi hindi masyado nakipaglaban si Piccolo ng hand-to-hand combat; puro Chi attacks lang. Nakokornihan din ako sa hiniling nila Goku sa dragon nung nakolekta na nila lahat ng Dragonballs. Bakit yun pa ang ni-wish nila? Meron pa naman ibang mas useful na wishes, sa tingin ko. Tapos, ineexpect ko din na mag-susuper Saiyan si Goku, pero hindi naman nangyari. Ni isang hibla sa buhok nya walang naging kulay yellow. Pero malamang sa next movie na yun. May cliffhanger din kasi sa end ng movie kaya naisip ko na may kasunod pa. After ng credits yun. So, if you want to see it, you have to stay 'til the credits stop rolling.

For this movie, I'm giving 7 out of 10 rating. :)

Saturday, April 11, 2009

One Day, Isang Diwa

Saturday, April 11, 2009 0
Maalala ko lang...

I was on duty last week (before the Holy Week) sa isang ospital sa Caloocan. Okay lang naman yung ospital. It's a semi-private ata eh, or a government ospital. I'm not sure. Pero their O.R. is not a bad one, huh. Updated din, ika nga.

Duty ako specifically dun sa O.R. It was friday. Absent ako the day before that due to irritable bowel (kuno). Pero we are scheduled in the A.M. shift (ang alam ko). 15 minutes before 6AM ang call time. So, andun na ko ng mga 5 minutes before 6. Hehe... Kala nyo maaga ako no? Isang malaking asa yun...

-Hindi po ito ang O.R. ng ospital na iyon.-

Pagpasok ko sa loob, I was immediately greeted with hostility. Ayaw kasi ako papasukin ng mga nurses don. Sabi hintayin ko daw muna mga kasama ko. Basically, wala pa sila dun sa loob. Grabe, kulang na lang eh ipagtulakan ako palabas. Sama nila. Tsk tsk... So, naghintay ako sa labas para sa mga kagrupo ko. Pero 2 hours passed, no show sila. Text ako ng text kung bakit wala pa sila. Buti na lang at nag-reply din sa wakas ang isa. Nagising siya mga 8AM, so dun lang nya ko nareplyan. Anyways, ang sabi nya, ni-reschedule daw kami. Hindi na kami A.M., kundi P.M. shift na! Holy Kamote! Paano yon? 6 hours pa ko maghihintay don sa lobby para makapagduty lang? (2PM start ng next shift)

So ayun, inatake na ko ng katamaran. Nag-decide na ko umuwi. Kunwari masakit pa din ang tiyan ko kaya absent ulit ako. Nang nasa pinto na ko ng lobby, nakasalubong ko naman ang aking clinical instructor (na chief nurse sa ospital na yon)! Holy Patatas! "What to do? What to do?" ang sabi ng isip ko. Buti na lang at hindi nya ko namukhaan. Yes! Hehe... Pero bigla kong naisip, "Kausapin ko kaya siya? Baka sakaling maintindihan nya ang aking situation. Mabait naman si mam eh." Kaya I told her my problem. Sabi nya, mag-duty na lang ako mag-isa ng A.M. Ipapahawak nya ko sa isa pang C.I. dun. Sabi ko, " Not bad. Okay po. So pwede na po ba ko umuwi ng 2PM? Hindi ko na po hintayin mga kagroup ko ha." At pumayag naman siya.

So pumunta na ko ng O.R. at nagbihis ng scrub suit. Pinuntahan ko ang C.I. ko for the day. Madami din pala siyang hawak na students. May mga Perpetualites at Adamsonista (yun ba tawag sa kanila? di ko alam eh). Yung mga taga-Perps, naka-blue na scrub suit; yung mga taga-AdU naman, naka-maroon; ako, naka-green. Hehe... Makulay no? Okay naman ang C.I. ko. Medyo sumusungit nga lang kapag nagiging busy.

Lucky that day kasi napakaraming cases/patients ng A.M. shift. Kaya kung student ka, tiba-tiba ka sa cases. Unfortunately for me, wala akong dalang gloves; both clean and sterile (napakagaling kong student eh, no?). Kaya hindi ako pwedeng mag-handle ng kahit ano. Kaya hanggang observe lang ako. Tinanong ako ng C.I. ko, "Nasaan ang gloves mo?" Sagot ko naman, "Eh mam, wala po akong nadala eh. Naiwan ko po sa bahay yung mga gloves ko gawa ng pagmamadali." (nice palusot again hehe) Kaya ang nasabi ng C.I. ko ay, "Eh di sana sa bahay ka na lang nag-duty!" Ouch. May point naman siya; at yun yung masakit don. Totoo ang sinabi nya. Well, kung pwede lang naman sa bahay na lang mag-duty. Why not? Hehe... At least, hindi ko na kelangan mag-travel from Cavite to Caloocan. Nakakatamad eh. Kung pwede lang talaga. Hay...

Okay, back to the story...

May isa din don nurse na lalaki. I hated him the moment I saw him. Why? Kasi nung binati ko siya nung una ng 'Good Morning po' (with smile on my face pa), hindi man lang sumagot; ni tumingin! Argh. Buti nga sa kanya at banlag siya. Sama kasi ugali nya eh. May isang moment na nililipat namin yung isang buntis na nanay from the delivery room to the recovery room (tapos na kasi siya manganak eh). Eh kelangan mag-transfer yung nanay from stretcher to bed ng siya lang mag-isa. Nung hindi nakalipat ng maayos yung nanay (gawa na din siguro ng panghihina), pinalo ba naman nung lalaki yung nanay sa braso. Ang sabi, "Hoy, kulang pa! Urong ka pa ng konti!" Grrr... Nakakagigil talaga. Nagulat ako ng ginawa nya yon. Parang hindi siya nurse. Tsk tsk... Kung pwede lang na abangan ko sa labas yun eh, tas bubugbugin ko. Ampf! Again, kung pwede lang talaga...

Naisip ko tuloy, bakit nga ba ganyan yung ibang mga nurse? Kaya nga 'Nursing' yung tawag sa course kasi we have to 'nurse' the people who asks for our help. It is our duty to be caring and compassionate. It's suppose to be an inner quality. Kung wala ka nung dalawang yon, wag ka ng mag-nursing. I know I'm a lazy person, pero I also know that I'm caring and compassionate in some way. Kahit na nakakainis na yung ibang patient, wala pa din karapatan ang mga nurses na gawin yon. Kung may reklamo sila sa trabaho nila, then they shouldn't have taken the course. Isa pa, nagbayad yung nanay na yun sa ospital na yun. So he should treat her with respect. Siguro kung nasa katinuan lang yung nanay, baka nasapak na nya yung lalaking yon. Hay, how I wish.

Pera na lang ba talaga ang reason ng karamihan kung bakit sila nag-nursing? Ang pagiging nurse ay hindi lamang dapat isang trabaho. Ito'y dapat gawin ding isang passion ng sinumang kumukuha nito. Siguro kahit kelan, hindi makakakuha ng award yung lalaking yun bilang one of the best nurses in someplace, unless maging matino siya.

-Nurses for export-

May kilala akong nurse na lalaki din Si Doc Rusty (doktor na ata siya ngayon eh). Pumunta siya ng Amerika at doon nagtrabaho. No choice siya kasi kawawa siya kapag dito siya nagtrabaho. So, labag man sa kalooban niya, umalis siya ng bansa. Nung una pa lang siya sa Amerika, nangangapa pa siya. Siyempre iba yung culture nila. Pero later on, lalo siyang gumaling, up to the point na napasama siya sa 'One of the Best 100 Nurses in America'. Astig no? At nagawa niya yun dahil sa isang bagay, minahal niya ang trabaho niya.

At eto pa ang nakakamangha, pagkatapos niyang maging succesful, napagpasyahan
niyang bumalik ng bansa para magturo ng kanyang kaalaman sa mga future nurses. Ganon niya kamahal ang Pilipino. Inaalala pa din niya ang karunungan ng mga Nursing Students, dahil gusto niyang maging katulad niya ang lahat ng kumukuha ng Nursing. At kahit na nasa Amerika na siya, pinagmamalaki pa din niyang Pilipino siya. Na isa siyang nurse na nag-aral sa Pilipinas. Na siya'y produktong Pilipino. And amidst all the glory and succes, he's feet still touch the ground, and will remain on the ground until he dies. :)

Sensya na kung medyo mahaba yung kwento ko ha. Hehe... Hope may natutunan kayong lesson. At sa mga hindi nag-nursing, sana hindi kayo na-lost sa mga pinagsasasabi ko. Toinks.

Remodeled

You might wonder why I have 9 posts on April 9, 2009. Too much posts for a day, eh? Hehe... Hindi po. Gumawa lang kasi ako ng bagong blog. Pinalitan ko na yung dati kasi ayoko na nung URL non; ambaduy eh. Kaya nilipat ko na lang yung mga post ko from there. Sayang naman kasi kung gagawa pa ko ng bago, di ba?

Not much of a big deal. Nabanggit ko lang naman. Baka kasi may nagtataka eh.

Friday, April 10, 2009

Still Tied Together

Friday, April 10, 2009 0
Maalala ko nga pala, I chanced upon this image sa isang joke site. Nakakatuwa yung pic, at the same time na-amaze ako. Hehe..

Here's the pic:


Magawa nga din to. Kelangan lang naman ng
plain colored shirt at pentel pen eh. :)

Thursday, April 9, 2009

Habits

Thursday, April 9, 2009 0
Lately, nahihirapan na ko matulog ng maaga. Hay, bakit kaya? Siguro dahil sa nasanay na ko matulog ng madaling araw. Ang epekto: pimples, loss of weight, and a flabbier tummy. Huhu... Kelangan ko na talaga maging back-on-track. Hehe...

So, bilang sacrifice para sa Lenten Season (does this apply? Hehe...), matutulog na ko ng maaga. At mag-eexercise! Yahoo! Hindi rin pala maganda ang epekto ng pagiging isang couch potato. Kaya ang aking target hour of sleep is 10:00. Kung makatulog ng earlier than that, eh di mas okay! Hehe

Then, mag-start na din ako mag-exercise! Siguro sisimulan ko sa 50 pumpings, 10 push-ups, and 30 sit-ups everyday. Dagdagan ko na lang ng household chores para may mapupuntahan naman yung kinain ko. Can you please give me any suggestions regarding work-outs? Please, please, please? Hehe...

In addition, I think I'll
also cut-down on carbs (rice and pasta). Siyempre hindi ko naman pwede i-eliminate ang carbs sa aking diet; everyone needs carbs! I'll avoid fatty foods, especially yung mga fried (pork, specifically); focus sa white meat, like chicken and fish. More on fruits and veggies, if kaya ng budget. And more fiber, para healthy din ang GI tract. Hehe... Buti na lang at hindi ako naninigarilyo, at hindi din ako heavy drinker (occasionally lang). At least, medyo bawas-bawas poproblemahin ko di ba? Hmmm...

Tagal ko na din naisip yung mga ideas na yan eh. Mahirap lang talagang gawin kasi old habits are really difficult to extinguish, especially kung nasanay na ang body mo, o sadya ka lang talagang tamad. (Dapat ata sakin eh mag-call center, since ayokong matulog ng maaga. Hehe...) But, it only takes willpower and discipline to accomplish these goals. Ika nga, kung walang tiyaga, walang nilaga!
Well, good luck na lang sakin! :P

"More Women Suffer From Eye Damage Than Men"

Yan ang sabi ng isang optical shop dito sa pilipinas. Okay sana yung sentence eh; informative naman. Ang hindi ko lang gusto ay yung way ng pag-aadvertise nila dun sa phrase na yan. Wala lang akong mahanap na pic sa internet eh, para mapakita ko sa inyo. Pero malamang you have already seen the commercial at yung mga billboards ng company na to. Yun yung may magandang babae na pinapakita, tapos ang asawa nya ay panget or maitim. After nila ipakitang naglalambingan, sasabihin na nga yung phrase na yun. Kung una, matatawa ka talaga kasi nakakaaliw nga naman. Maski ako naaliw. din Pero kinalaunan, nang makita ko ulit ang billboard, naisip ko na may nakakainsulto dun sa advertisement. Eh ano naman kung pangit yung asawa tapos maganda/gwapo yung isa? Does it mean na malabo na nga o may deperensya sa mata yung kabiyak na maganda/gwapo? Hindi ba posible na magkagusto ang isang maganda/gwapong nilalang sa isang pangit? Tsk tsk...

Mamaya tuloy nyan, baka kapag nakakita tayo ng magnobyong ang isa ay pangit at isa naman ay kagandahan/kagwapuhan ay isipin na agad natin na may deperensya sa mata ang isa sa kanila. O di ba, discriminating? Hay... Wala na nga bang true love sa mundong ibabaw? Sorry kung medyo corny ha, pero if iisipin mo, yun na din ang sinasabi nila. Paano kaya kung magpatingin nga sa mata yung visually challenged na kabiyak? Eh di may chance na iiwan nya (or magkaroon siya ng second thoughts sa relasyon nila) ang asawa/nobyo niya kapag luminaw na ulit yung paningin nya? Kawawa naman yung pangit na asawa/nobyo. Tsk tsk...

Baka naman iniisip nyo na kaya ako apektado masyado ay dahil sa ako'y pangit? O baka dahil sa ang GF ko ay pangit? Haha... Nagkakamali po kayo. May itsura naman akong tao, at maganda naman ang aking minamahal. Hehe... Ayoko lang talaga yung advertisement na yon.

Hindi ko alam kung naisip din ba ng company na yun yung napansin kong isa pang kahulugan ng advertisement nila. Or ginawa nila yun just for entertainment purpose lang talaga. Pero sana, wala na ulit yung mga ganung klaseng mga patalastas.

Pinoy nga naman, basta makabenta lang...

Of Swimming, Alcohol, Blogging, India, and Komiks

Actually, wala akong masabi. Hehe...

Ilap pumasok sa utak ko ang mga ideas ngayung gabi. So, nakatunganga lang ako halos ngayun sa monitor ng PC ko at nag-iisip ng masasabi.

Anu n
ga ba? Hmmm...

Nito lang kasi, galing ako sa binyag ng cousin ko sa Antipolo. May overnight swimming wit
h my cousins, kaya sumama ako. At nag-swimming kami magdamag. Hehe... Napasukan siguro ang utak ko ng madaming tubig ng pool (na may turkak, ihi ng mga bata, libag ng mga lumangoy, at iba pang katas mula sa katawan ng mga lumublob sa pool; pati na yung mga paa), kaya ayun medyo nag-malfunction na ngayun. Haha...

O siguro, dahil lan
g sa may tama ako ngayun kaya ganun. Kakaubos lang naming dalawa ng pinsan ko na 'Boracay'. Inumin na ginawa ko kanina (c/o Kuya Bodjie) na pinaghalo-halong Generoso, Milo, Nescafe, at Condesada. Sa mga walang alam sa alak, o yung mga hindi umiinom (kaawan kayo nawa ng Panginoon), siguro nakakadiri pakinggan. Di ko din ma-imagine yung lasa nung sinabi sakin ng pinsan ko. Generoso na may Milo, Kape, at Gatas?! Ampf. Pero para sa mga wala ng atay dyan, malamang alam nila ang lasa ng inumin na to, at kung gaano ito kasarap. Pero malamang hindi din dahil sa alak.

Hmmm...

Siguro, namimiss ko lang ang aking Hubbymaylabsosweet kaya ganun.Tagal ko na din hindi nakikita yun eh. Anu kaya ginagawa nya ngayun? Iniisip nya din kaya ako sa mga oras na to? O malalim na siyang natutulog ngayun habang humihilik? Hay...


Kamusta nam
an kayo? Medyo depressed pa din ako right now. Kasi naman, wala pang nagvi-view sa blog ko kahit isa. Kung binabasa mo na to ngayun, it means meron na (malamang komang). Hehe... Sana meron na. Pinipilit ko naman na maging maganda at interesting ang blog ko. Haha... Pero kung wala talaga, eh di wala akong magagawa. Ilan ba ang blog sa mundo? Milyon milyon siguro. Dito sa Pilipinas malamang na daanga libo na. What are the chances na may makadaan dito sa blog ko at maging interesado? Kahit naman may mapadaan, kung hindi sila interesado (o kung poreyner sila at hindi nila ma-gets ang mga pinagsasasabi ko ngayun) eh din wala ding magbabasa. Haha... Sabagay, ganito naman siguro ang mga starting bloggers. Kahit siguro yung mga sikat na bloggers ngayun eh ganito din nagsimula. Sino ang mga idol ko sa blogging? Walang iba kundi sina Unkyel Batjay at Jay Panti (na kapwa may mga libro na). Gusto ko din maging gaya nila. Madaming naghihintay at nagbabasa ng mga sinusulat nila (or in this case, tina-type). So konting tiyaga lang siguro. Hehe... Ayoko naman ipagsabi sa mga kakilala ko yung blog ko. Bukod sa I want to have an anonymous identity, alam kong hindi din sila magiging interested. Anu naman pake nila sa mga sasabihin ko dito kung makakakwentuhan ko din sila diba? Haha...

Hmmm... Magpapahinga na lang muna ko siguro sa pagba-blog. Bakasyon muna. Hanggang may maisip ulet akong mga ideya. Or magbabasa muna ko ng madami pang sikat na blog para matutunan ko ang mga important things to consider if you want to be a succesful blogger.


Nga pala, watch the movie 'Slumdog Millionaire'. It's a very good movie. No doubt na nanalo ito ng madaming awards sa Oscar, including Best Picture. It's about an 18 year old man na nanalo sa Who Want to be a Millionaire? At dahil don, pinaghihinalaan siya ng mga pulis na nandadaya sa game. Sino ba namang slumdog o squatter ang makakasagot mahihirap na questions kung wala namang pinag-aralan? Kaya nung inaresto yung bida, kinuwento niya sa mga pulis ang buhay nya at kung ano ang relevance nung mga tanong sa game sa buhay nya. At masasabing kong sobrang ang swerte talaga nya. May love story ding involve, which is a very good one. Sa India ang setting ng movie, so makikita mo sa movie ang itsura ng slums doon. And I'm going to say na mas malala ang povery doon kaysa dito. Naisip ko tuloy na never kong gugustuhin maging taga doon. Malalaman mo kung mapanood mo yung movie.

Also, kabi
bili ko nga lang pala ng The Panti Briefs and Liners (4th installment ng Kikiam Experience ni Jay Panti) at Kikomachine Komix (ni Manix Abrera). Hanggang ngaun, pinapatawa pa din nila ko ng malakas. Kaya yung mga books nila are must-reads. Hindi sayang ang pera pambili dahil sobrang entertaining. Ewan ko na lang lung hindi ka pa matawa sa mga yun; try mo pacheck-up baka may problema na sa utak mo; or pwede ding sadyang KJ ka at wala ka lang sense of humor. In that case, pakamatay ka na. Bwahaha...

Till my next post guys. Keep safe.

Ang Pumalo kay Dodong, Olats!

Cholecystectomy. Sounds weird eh? hehe...

Para sa mga medical students, alam nila ang term na yan. Pero sa mga hinde, yan po ang surgical removal ng gallbladder. Or in tagalog, tatanggalin ang apdo ng isang tao. Para san nga ba ang apdo? Eto lang naman ang taga-metabolize ng fats na kinakain natin. So, kapag nawala ang apdo, malaki ang chance na tataba ka ng husto kapag hindi ka umiwas sa mamantikang foods.

At kanina, ito ang operasyon na kelangan kong tayuan ng mahigit sa apat na oras. Lintik! Oo, ganun katagal dahil ganun kahaba ang operasyon. Ubod kasi sa taba yung inoperahan kanina kaya mejo natagalan na mahiwa ang balat, taba, at muscles. At dahil mataba nga siya, mahirap i-retract yung incision. Nakakasunod ba kayo? haha...

Anyways, sa sobrang pagod ko pagkatapos, napasalampak na lang ako sa sahig. Try nyo kaya tumayo ng mahigit 4 na oras ng hindi kayo pwede umupo, tapos gutom pa kayo. Kung kaya nyo, aba'y hanga ako sa inyo. Mabuhey! Pero eto lang masasabi ko, SHOCKING! haha... Sobrang toxic ng operation. Whew! Pero anu bang magagawa ko, eh ito ang pinili kong kurso. Na-eenjoy ko naman kaya ayos lang. Ang nirereklamo ko lang ay yung sobrang katabaan ng pasyente. Nakakainis! Lumamig na tuloy yung pina-deliver kong spaghetti at rootbeer sa isang sikat ng fastfood restaurant. huhu...

"Yuck!" siguro ang masasambit ng karamihan.
Pero para sa akin, "Wow!" :)

Bawa't Bata

Hay nako... Nagbalik na naman ako sa pagkabata. Yun nga lang, hindi na tulad ng dati. May mga nagbago na...

Kanina, duty namin sa Diosdado Macapagal Medical Center (opo, nursing student po ako). At sa OR/DR Dept. kami naka-assign. 1st day namin kanina dun, at as usual orientation day lang. Kaya ayun, bukod sa wala kaming mga cases (kasi walang mga pasyente; walang may gustong magpaopera), ay wala kaming magawa bukod sa magkwentuhan at magtawanan. Buti na lang airconditioned yung room kung san kami nag-iistay. Hay salamat. Pawisin kasi ako, kaya ayoko ng mainit at humid. Ewan ko ba kung bakit dito ako sa Pinas pinanganak. Haha joke lang po. :P

Back to the story, naisipan ng isa kong kaklase na maglaro na lang. Una naming naisip eh yung Pinoy Henyo. Kaso parang nakakatamad naman yun. Hulaan lang. Ni-suggest ng isa, Langi't Lupa daw. Yung larong kelangan umakyat ka sa elevated na place (ang tawag dun 'langit') kundi tatayain ka ng taya. Eh ang problema, walang elevated place bukod sa tatlong silya. Eh 5 kaming players. So kung yung 3 makakaakyat, kawawa naman yung isa kasi matataya siya talaga for sure. Haha kaya pointless din laruin yung game. At alas, naisip ng isa ko pang kagrupo na maglaro ng Ice-Water. Eto yung game na may taya (as usual). Tapos, kelangan nya ma-touch yung mga pahabol na players. At kapag natouch nya yun, kelangan nya sumigaw ng 'Ice!'. And then, hindi na pwede gumalaw nung player na na-Ice. Ang kelangan na lang gawin ngayun ng taya, eh ma-Ice nya lahat yun. At ang trabaho naman ng mga players ay magpahabol sa taya hanggal maghingal aso ito; at i-defrost ang mga player na na-Ice by saying 'Water!' while touching the Iced player. Then, kapag lahat ay nataya na, kelangan sumigaw ng lahat ng 'Viva!' habang naka-raise ang isang hand and naka-Marcos sign (yung naka-V yung fore- and middle finger, while naka-fold naman yung iba). Ang huling makapag-'Viva!', siya yung susunod na taya. Gets ba? haha

At ayun, naglaro na po kami. Sa 5 rounds na tinagal namin, twice akong taya. Ang liit lang naman kasi ng kwarto kaya sobrang saya talaga nung laro. After ng ikalimang round, hingal kabayo na kami lahat. Hindi na magkandatuto ang aming mga baga sa paghinga. Malamang, kung may hika lang ang isa samin eh isinugod na siya sa ER sa baba.

Binilang ko ang heart rate ko, umabot ng whooping na 120+beats/min. At dun na kami nag-ayawan. Nagpoprotesta na ang mga puso at baga namin sa pagod. Dun ko tuloy naramdaman ang feeling ng pagtanda. Pakiramdam ko eh hindi na 'bata' ang katawan ko dahil madali akong napagod. Dati nung bata ako, kahit buong araw pa ko nagtatakbo ay ayos lang. Pero ngayon, after 5 rounds lang eh halos mamatay na ko sa hingal. Yung saya tuloy na dulot ng laro ay napalitan ng konting lungkot. Shit! Tumatanda na ko. At dahil don, naisip ko na hindi ko na magagawa ang mga ito pagtanda ko. Kaya habang ngayun pa lang, gagawin ko na yung mga bagay ng nakagawian ko na nung bata ako. Pati yung mga bagay na gusto ko pang magawa.

Maikli lang ang buhay. Minsan lang tayo mabubuhay. Hindi kasi ako naniniwala dun sa paniniwalang may kabilang buhay pa daw. Or yung reincarnation. Para sa akin, isang beses ka lang mabubuhay. Kaya sulitin mo na. Mahirap na din umasa na may reincarnation pa. Malay mo wala na, eh di nasayang mo lang yung oras mo ngayun. Alam natin lahat na hindi na natin pwede ibalik ang oras. Unless, may powers ka tulad ni Hiro Nakamura ng Heroes, eh di astig; congrats sayo kapatid. Pero kung wala naman, eh mabuti ng ayusin mo na ang buhay mo at maging masaya ka na lang.

Siguro masarap mamatay ng nakangiti.
 
Omerta #3 ◄Design by Pocket, BlogBulk Blogger Templates