Saturday, April 11, 2009

One Day, Isang Diwa

Saturday, April 11, 2009
Maalala ko lang...

I was on duty last week (before the Holy Week) sa isang ospital sa Caloocan. Okay lang naman yung ospital. It's a semi-private ata eh, or a government ospital. I'm not sure. Pero their O.R. is not a bad one, huh. Updated din, ika nga.

Duty ako specifically dun sa O.R. It was friday. Absent ako the day before that due to irritable bowel (kuno). Pero we are scheduled in the A.M. shift (ang alam ko). 15 minutes before 6AM ang call time. So, andun na ko ng mga 5 minutes before 6. Hehe... Kala nyo maaga ako no? Isang malaking asa yun...

-Hindi po ito ang O.R. ng ospital na iyon.-

Pagpasok ko sa loob, I was immediately greeted with hostility. Ayaw kasi ako papasukin ng mga nurses don. Sabi hintayin ko daw muna mga kasama ko. Basically, wala pa sila dun sa loob. Grabe, kulang na lang eh ipagtulakan ako palabas. Sama nila. Tsk tsk... So, naghintay ako sa labas para sa mga kagrupo ko. Pero 2 hours passed, no show sila. Text ako ng text kung bakit wala pa sila. Buti na lang at nag-reply din sa wakas ang isa. Nagising siya mga 8AM, so dun lang nya ko nareplyan. Anyways, ang sabi nya, ni-reschedule daw kami. Hindi na kami A.M., kundi P.M. shift na! Holy Kamote! Paano yon? 6 hours pa ko maghihintay don sa lobby para makapagduty lang? (2PM start ng next shift)

So ayun, inatake na ko ng katamaran. Nag-decide na ko umuwi. Kunwari masakit pa din ang tiyan ko kaya absent ulit ako. Nang nasa pinto na ko ng lobby, nakasalubong ko naman ang aking clinical instructor (na chief nurse sa ospital na yon)! Holy Patatas! "What to do? What to do?" ang sabi ng isip ko. Buti na lang at hindi nya ko namukhaan. Yes! Hehe... Pero bigla kong naisip, "Kausapin ko kaya siya? Baka sakaling maintindihan nya ang aking situation. Mabait naman si mam eh." Kaya I told her my problem. Sabi nya, mag-duty na lang ako mag-isa ng A.M. Ipapahawak nya ko sa isa pang C.I. dun. Sabi ko, " Not bad. Okay po. So pwede na po ba ko umuwi ng 2PM? Hindi ko na po hintayin mga kagroup ko ha." At pumayag naman siya.

So pumunta na ko ng O.R. at nagbihis ng scrub suit. Pinuntahan ko ang C.I. ko for the day. Madami din pala siyang hawak na students. May mga Perpetualites at Adamsonista (yun ba tawag sa kanila? di ko alam eh). Yung mga taga-Perps, naka-blue na scrub suit; yung mga taga-AdU naman, naka-maroon; ako, naka-green. Hehe... Makulay no? Okay naman ang C.I. ko. Medyo sumusungit nga lang kapag nagiging busy.

Lucky that day kasi napakaraming cases/patients ng A.M. shift. Kaya kung student ka, tiba-tiba ka sa cases. Unfortunately for me, wala akong dalang gloves; both clean and sterile (napakagaling kong student eh, no?). Kaya hindi ako pwedeng mag-handle ng kahit ano. Kaya hanggang observe lang ako. Tinanong ako ng C.I. ko, "Nasaan ang gloves mo?" Sagot ko naman, "Eh mam, wala po akong nadala eh. Naiwan ko po sa bahay yung mga gloves ko gawa ng pagmamadali." (nice palusot again hehe) Kaya ang nasabi ng C.I. ko ay, "Eh di sana sa bahay ka na lang nag-duty!" Ouch. May point naman siya; at yun yung masakit don. Totoo ang sinabi nya. Well, kung pwede lang naman sa bahay na lang mag-duty. Why not? Hehe... At least, hindi ko na kelangan mag-travel from Cavite to Caloocan. Nakakatamad eh. Kung pwede lang talaga. Hay...

Okay, back to the story...

May isa din don nurse na lalaki. I hated him the moment I saw him. Why? Kasi nung binati ko siya nung una ng 'Good Morning po' (with smile on my face pa), hindi man lang sumagot; ni tumingin! Argh. Buti nga sa kanya at banlag siya. Sama kasi ugali nya eh. May isang moment na nililipat namin yung isang buntis na nanay from the delivery room to the recovery room (tapos na kasi siya manganak eh). Eh kelangan mag-transfer yung nanay from stretcher to bed ng siya lang mag-isa. Nung hindi nakalipat ng maayos yung nanay (gawa na din siguro ng panghihina), pinalo ba naman nung lalaki yung nanay sa braso. Ang sabi, "Hoy, kulang pa! Urong ka pa ng konti!" Grrr... Nakakagigil talaga. Nagulat ako ng ginawa nya yon. Parang hindi siya nurse. Tsk tsk... Kung pwede lang na abangan ko sa labas yun eh, tas bubugbugin ko. Ampf! Again, kung pwede lang talaga...

Naisip ko tuloy, bakit nga ba ganyan yung ibang mga nurse? Kaya nga 'Nursing' yung tawag sa course kasi we have to 'nurse' the people who asks for our help. It is our duty to be caring and compassionate. It's suppose to be an inner quality. Kung wala ka nung dalawang yon, wag ka ng mag-nursing. I know I'm a lazy person, pero I also know that I'm caring and compassionate in some way. Kahit na nakakainis na yung ibang patient, wala pa din karapatan ang mga nurses na gawin yon. Kung may reklamo sila sa trabaho nila, then they shouldn't have taken the course. Isa pa, nagbayad yung nanay na yun sa ospital na yun. So he should treat her with respect. Siguro kung nasa katinuan lang yung nanay, baka nasapak na nya yung lalaking yon. Hay, how I wish.

Pera na lang ba talaga ang reason ng karamihan kung bakit sila nag-nursing? Ang pagiging nurse ay hindi lamang dapat isang trabaho. Ito'y dapat gawin ding isang passion ng sinumang kumukuha nito. Siguro kahit kelan, hindi makakakuha ng award yung lalaking yun bilang one of the best nurses in someplace, unless maging matino siya.

-Nurses for export-

May kilala akong nurse na lalaki din Si Doc Rusty (doktor na ata siya ngayon eh). Pumunta siya ng Amerika at doon nagtrabaho. No choice siya kasi kawawa siya kapag dito siya nagtrabaho. So, labag man sa kalooban niya, umalis siya ng bansa. Nung una pa lang siya sa Amerika, nangangapa pa siya. Siyempre iba yung culture nila. Pero later on, lalo siyang gumaling, up to the point na napasama siya sa 'One of the Best 100 Nurses in America'. Astig no? At nagawa niya yun dahil sa isang bagay, minahal niya ang trabaho niya.

At eto pa ang nakakamangha, pagkatapos niyang maging succesful, napagpasyahan
niyang bumalik ng bansa para magturo ng kanyang kaalaman sa mga future nurses. Ganon niya kamahal ang Pilipino. Inaalala pa din niya ang karunungan ng mga Nursing Students, dahil gusto niyang maging katulad niya ang lahat ng kumukuha ng Nursing. At kahit na nasa Amerika na siya, pinagmamalaki pa din niyang Pilipino siya. Na isa siyang nurse na nag-aral sa Pilipinas. Na siya'y produktong Pilipino. And amidst all the glory and succes, he's feet still touch the ground, and will remain on the ground until he dies. :)

Sensya na kung medyo mahaba yung kwento ko ha. Hehe... Hope may natutunan kayong lesson. At sa mga hindi nag-nursing, sana hindi kayo na-lost sa mga pinagsasasabi ko. Toinks.

0 comments:

Post a Comment

 
Omerta #3 ◄Design by Pocket, BlogBulk Blogger Templates