Thursday, April 9, 2009

Bawa't Bata

Thursday, April 9, 2009
Hay nako... Nagbalik na naman ako sa pagkabata. Yun nga lang, hindi na tulad ng dati. May mga nagbago na...

Kanina, duty namin sa Diosdado Macapagal Medical Center (opo, nursing student po ako). At sa OR/DR Dept. kami naka-assign. 1st day namin kanina dun, at as usual orientation day lang. Kaya ayun, bukod sa wala kaming mga cases (kasi walang mga pasyente; walang may gustong magpaopera), ay wala kaming magawa bukod sa magkwentuhan at magtawanan. Buti na lang airconditioned yung room kung san kami nag-iistay. Hay salamat. Pawisin kasi ako, kaya ayoko ng mainit at humid. Ewan ko ba kung bakit dito ako sa Pinas pinanganak. Haha joke lang po. :P

Back to the story, naisipan ng isa kong kaklase na maglaro na lang. Una naming naisip eh yung Pinoy Henyo. Kaso parang nakakatamad naman yun. Hulaan lang. Ni-suggest ng isa, Langi't Lupa daw. Yung larong kelangan umakyat ka sa elevated na place (ang tawag dun 'langit') kundi tatayain ka ng taya. Eh ang problema, walang elevated place bukod sa tatlong silya. Eh 5 kaming players. So kung yung 3 makakaakyat, kawawa naman yung isa kasi matataya siya talaga for sure. Haha kaya pointless din laruin yung game. At alas, naisip ng isa ko pang kagrupo na maglaro ng Ice-Water. Eto yung game na may taya (as usual). Tapos, kelangan nya ma-touch yung mga pahabol na players. At kapag natouch nya yun, kelangan nya sumigaw ng 'Ice!'. And then, hindi na pwede gumalaw nung player na na-Ice. Ang kelangan na lang gawin ngayun ng taya, eh ma-Ice nya lahat yun. At ang trabaho naman ng mga players ay magpahabol sa taya hanggal maghingal aso ito; at i-defrost ang mga player na na-Ice by saying 'Water!' while touching the Iced player. Then, kapag lahat ay nataya na, kelangan sumigaw ng lahat ng 'Viva!' habang naka-raise ang isang hand and naka-Marcos sign (yung naka-V yung fore- and middle finger, while naka-fold naman yung iba). Ang huling makapag-'Viva!', siya yung susunod na taya. Gets ba? haha

At ayun, naglaro na po kami. Sa 5 rounds na tinagal namin, twice akong taya. Ang liit lang naman kasi ng kwarto kaya sobrang saya talaga nung laro. After ng ikalimang round, hingal kabayo na kami lahat. Hindi na magkandatuto ang aming mga baga sa paghinga. Malamang, kung may hika lang ang isa samin eh isinugod na siya sa ER sa baba.

Binilang ko ang heart rate ko, umabot ng whooping na 120+beats/min. At dun na kami nag-ayawan. Nagpoprotesta na ang mga puso at baga namin sa pagod. Dun ko tuloy naramdaman ang feeling ng pagtanda. Pakiramdam ko eh hindi na 'bata' ang katawan ko dahil madali akong napagod. Dati nung bata ako, kahit buong araw pa ko nagtatakbo ay ayos lang. Pero ngayon, after 5 rounds lang eh halos mamatay na ko sa hingal. Yung saya tuloy na dulot ng laro ay napalitan ng konting lungkot. Shit! Tumatanda na ko. At dahil don, naisip ko na hindi ko na magagawa ang mga ito pagtanda ko. Kaya habang ngayun pa lang, gagawin ko na yung mga bagay ng nakagawian ko na nung bata ako. Pati yung mga bagay na gusto ko pang magawa.

Maikli lang ang buhay. Minsan lang tayo mabubuhay. Hindi kasi ako naniniwala dun sa paniniwalang may kabilang buhay pa daw. Or yung reincarnation. Para sa akin, isang beses ka lang mabubuhay. Kaya sulitin mo na. Mahirap na din umasa na may reincarnation pa. Malay mo wala na, eh di nasayang mo lang yung oras mo ngayun. Alam natin lahat na hindi na natin pwede ibalik ang oras. Unless, may powers ka tulad ni Hiro Nakamura ng Heroes, eh di astig; congrats sayo kapatid. Pero kung wala naman, eh mabuti ng ayusin mo na ang buhay mo at maging masaya ka na lang.

Siguro masarap mamatay ng nakangiti.

0 comments:

Post a Comment

 
Omerta #3 ◄Design by Pocket, BlogBulk Blogger Templates