Thursday, April 9, 2009

Lessons For Today...

Thursday, April 9, 2009
Aaminin ko, tamad akong tao. hehe Yes guys, sobrang tamad kong nilalang sa mundong ibabaw. Ewan ko din ba kung bakit. Masipag naman mga magulang ko, so malamang, wala sa 'genes' yun. lol

Dapat gigising ako ng 10AM kaninang umaga para pumunta sa school. Kasi po bigayan ng grades namin at 1PM. And you guys should know na karamihan ng mga tamad ay mga tulog-mantika din (A phrase which means na isang taong grabe sa O.A matulog. Yung tipong ang hirap gisingin. Kelangan mo munang sapakin; at kapag di pa siya nagising non ay ewan ko na lang. Check nyo maigi, baka patay na.). At dahil tamad ako, ganun ako matulog. Pagmulat ko ng aking mga eyes, pakiramdam ko ay mga alas-9 pa lang ng umaga. 'Feel good' kumabaga. Pero nanlaki ang aking mga mata ng aking masdan ang oras sa aking cellphone. "What?!" ang aking sambit. At biglang naglaho ang aking 'feel good' na aura. At ayun, hindi ko na inabutan ang kuhanan ng grades. hehe Ewan ko lang kung meron pang ibang araw para kunin yung mga hindi mga nakuhang grades. Pumunta ako ng school pa rin kahit na alam kong hindi na ko aabot. By the way, I live more or less 50 kilometers away from my school. So that should be about 2 1/2 hours of travel time; one way lang yun ha. hehe At yun lang yung part na masipag ako, ang pumasok sa school ng ganun kalayo. lol Back to the story, pumunta ako ng school ng hindi nakakain gawa ng sobrang pagmamadali. At para bang hindi ko naramdaman ang gutom hanggang sa makarating ako sa school.

At ayun, nakarating din ako sa school. Pagdating ko sa loob, nakita kong may misa sa atrium. Misa para sa mga graduating students; mga estudyanteng gagradute kinabukasan. At lobby, aking nakita ang aking close friend na graduating. Tinanong ko kung anung meron. And then, nagkwentuhan na lang kami until matapos yung misa. Kung saan biglang nagsitakbuhan ang mga estudyante sa 2nd floor. Anung meron? Biglang in-announce ng isang boses na nakakayamot dahil sa tinis nito na kukunin na nila ang mga invitations nila para sa graduation. "Toinks! Anu ba naman yan! Bakit ngayun lang naman nila binibigay ang mga invitations? Di ba dapat last week pa? Napakabagal naman nila. Tsk tsk," akin na lang nasambit. "E alam mo naman itong school natin; gusto nila mabilis tayo kapag magbabayad. Pero kapag sila na ang gumagalaw, ang babagal naman. Daig pa pagong sa kupad," sambit ng aking sis. Natawa na lang ako. Oo nga naman; bakit nga naman ganun madalas ang mga eskuwelahan? tsk tsk

And worse, wala pang maayos na proseso sa pagkuha ng invitations. Walang pila, at walang humpay ang mga estudyante sa pagsigaw gawa ng pagkairita sa kawalan ng ayos sa pagbibigay. Parang may sabong sa loob ng kwarto. Sa sobrang inis ng nagbibigay ng invitations dahil sa ingay at kasikipan, lumipat siya ng kwarto sa lower floor (sa may office nya); at parang mga asong nagsunuran yung mga fourth year. Kawawa naman sila; gagraduate na nga lang, eh pinagmukha pa silang mga ewan. Napailing na lang ako. Sana kapag gumuradweyt ako eh yung sa maayos na proseso; ayoko ng ganun kagulo. Mga past-8 na ng makuha ng sis ko ang kanyang imbitasyon. Mahigit 1 oras din kaming naghintay. Dagli kaming dumeretso ng SM Mall of Asia dahil gutom na gutom na kami pareho. 8PM na eh hindi pa ko kumakain mula ng ako'y gumising! huhu Kaya kami'y kumain sa isang fastfood restaurant; yung sa mura lang. hehe Tipid-tipid din kami eh; tsaka masarap naman don.

Pagkatapos kumain ay bumili na siya ng stockings na gagamitin nya kinabukasan. At ako naman, bumili ng bagong librong mababasa. At aking napili ay ang 'Mga Kwentong Tambay' ni Nicanor David Jr. hehe Wala kasi akong mahanap na 'Kikomachine Komix Blg. 5' eh. Meron daw sa Greenbelt; ang problema, hindi naman ako napapadpad don. Never pa ko nakapunta dun; malayo kasi bahay ko don. haha After buying what we need (and in my case, want), umuwi na kami. Malapit lang naman yung tinutuluyan nyang dorm eh (buti pa siya); eh ako babiyahe pa ng 2 hours. lol

At anong silbi ng pagpopost ko nito? Wala lang. Gusto ko lang sayangin yung mga natitirang oras ng buhay nyo. bwahahaha

At bakit 'Lessons for today...' ang pamagat ng post ko? hmmmm Kasi ang mga natutunan ko ngayung araw ay mahalaga:
1. Wag matulog ng alas-sais ng umaga para magising ng maaga, kung kelangan mo magising ng maaga.
2. Wag makipagsiksikan sa mga mababahong tao. Baka mahawa ka sa amoy.
3. Laging na kong kakain dun sa fastfood restaurant na yun. Masarap pala don. Wala akong pake kung mukhang cheap, basta busog naman. Dun ko nga idedate GF ko next time. Para makatipid.
4. Umiwas sa mga lalaking mahilig tumitig. They are creepy!
5. Kapag umuulan, magpayong. Para hindi mabasa kung ayaw mo mabasa.

At sana naman may hint na kayo kung ano yung school (na sira na ang missions at visions, at may horrible na chorale) na pinapasukan ko? hehe

By the way, yung picture, Bible po yun. Bakit ko nilagay? Wala lang din. :P

0 comments:

Post a Comment

 
Omerta #3 ◄Design by Pocket, BlogBulk Blogger Templates