Tuesday, April 28, 2009

State Of Emergency

Tuesday, April 28, 2009
Sadness lingers within me right now.

Why? Why is she so hard to deal with? Shit.

Earlier, nag-pangabot kami sa chat. Dahil nasa kanya ang USB ko (she borrowed it from me before we broke up), hinihingi ko na. Gusto niya ako ang kumuha sa kanya non. At doon nagsimula ang another pagtatalo. Pagtatalong pambata, which I find very irritating. Kelan ka ba magiging seryoso? Lahat ba sayo biro? The argument ended up in another immature decision. Pumunta siya dito sa bahay (nag-drive actually) at sinauli niya ang USB in the middle of the night; iniwan lang niya sa may gate namin. Didn't even bother to hand it to me personally. Baka daw kasi hindi ako makatulog kapag hindi ko nakuha agad. Takte.

This post is for you. You keep on saying na babalik ka pa. May hahanapin ka lang na something; ayaw mo naman sabihin kung ano. Sana nga. Sana lang. I am hoping, but not expecting. You keep on talking in a cryptic way; that, I couldn't understand. Can you please be direct to the point?

Maybe I just deserve this. For what I've done to you before. Nagawa ko ng dalawang beses sayo. At ngayon, nagawa mo naman sakin. Pero hanga ako sayo, kasi nagawa mo ng maayos ang sayo. Alam naman natin na yung akin ay ginawa ko in a very immature way. Yung paraan na talagang masakit. Yung paraan na wala ka na talagang magagawa.

Naalala ko nung araw na yon. Yun din ang araw na iniwan kita noon 3 years ago. Di ko alam kung tadhana ba talaga o nagkataon lang. Nakakatawa pero mas nakakalungkot. Nung una, nag-aalangan ka pa na sabihin. Magkatabi tayo sa terrace namin. Pinilit kita kasi isa yang problema. And problems between a couple shouldn't be left unsolved. At yun na nga, after an hour of persuading you to spill the beans, nasabi mo na. Sabi ko na yun ang gusto mong mangyari. Masakit. Sobra. Pero may dahilan ka (ngunit hndi ko alam kung totoo ba yung sinabi mo) at pinilit ko yun intindihin. Hindi kita pinigilan dahil yun ang gusto mo. Ayaw kong mahirapan ka. Tanga ba ko dahil sa ginawa ko? Dapat ba pinigilan kita? Tanga nga siguro ako. Tinanggap ko lang kung ano ang mga pinagsasabi mong pagkukulang ko. Sinabi mo na ikaw ang may problema, na ikaw ang naguguluhan. Pero mali ka, kung titignan mo ng buo. Sakin pa din umiikot ang pagkakamali. Umalis ka sa bahay non na OK pa ang pakiramdam ko.

Ngunit makalipas ang ilang araw. Ako'y labis na nalulumbay. Namimiss kita, natural naman siguro yun. At napaisip ako kung ano ba talaga ang dahilan ng pagkawala ng pagmamahal mo sakin. Pano kung may iba ka na palang mahal? Hindi ko kaya yon. Masakit yung mga nasa imahinasyon ko. At dahil don, sumama ang loob ko. Kasalanan ko na naman.

Pinakawalan kita dahil mahal kita. At dahil na din sa ayokong mahirapan ka sakin. Bakit ko ipipilit ang sarili ko sayo kung di mo na ko mahal, di ba? Alam ko maaga tayo nagsimula, kaya siguro gusto mo maranasan ang ibang bagay na tanging single lang ang makakagawa. Gusto mo ng kalayaan? Pero maaaring hindi din, kasi nagagawa mo naman lahat ng naisin mo; at wala naman akong tutol sa mga iyon. Hayyy...

Habang lumilipas ang bawat minuto, pabigat ng pabigat ang pakiramdam ko. Gusto ko na to itulog. Ayaw ko ng maramdaman to. Lulunurin ko na lang ang sarili ko sa trabaho at sa mga gawain sa school. Buti nakapagtira pa ko ng pagmamahal para sa sarili ko. Kasi kinuha mo na yung halos lahat eh. Buti at marunong akong umunawa. Pero daig pa din talaga ng puso ang utak. Kahit anong gawin ko ngayun pagkakalma sa isipan ko, sumasakit naman ang dibdib ko. Tae. Nahihirapan ako huminga ngayun sa totoo lang. One more proof that you really mattered to me, ginugulo mo ang buong sistema ng katawan ko ngayun.

Isang linggo na ang nakakalipas ngunit ganun pa din pakiramdam ko. Di pa din ako makaabante. Siguro dahil sa gusto ng katawan kong maghintay. Pero sabi ng isipan ko na wag na. Hindi ko nga kaya. Matured man ako mag-isip, wala pa din yun kwenta.

Sa ngayun, hindi ko pa kaya na wala ka. Mukha lang siguro okay lang ako. Pero gusto ko malaman mo na parang akong may nakataling malaking bato sa leeg. Mabigat.

Bumalik ka na kasi. Kung may balak ka pa nga, pakibilisan naman o.

-Poor guy... Tsk tsk...-

0 comments:

Post a Comment

 
Omerta #3 ◄Design by Pocket, BlogBulk Blogger Templates