Sunday, April 12, 2009

Fish & Balls

Sunday, April 12, 2009
Earlier, my family and I had a snack at SM DasmariƱas. Bumili kami ng dalawang pizza. Katatapos lang kasi namin manood ng Dragonball Evolution. While we are waiting for the pizza, bigla akong tinanong ng brother ko. "Kuya, may daliri ba ang mga isda?" tanong ni Albert. Nabigla ako sa tanong niya. Bakit naman niya naitanong yung ganong bagay? Eh samantalang nasa grade 6 na yung kapatid kong yon. "Huh? Wala, bakit?" ang naisagot ko."Eh kasi nakakita ako kanina ng pagkain dun sa isang restaurant. Ang nakalagay, Fish Fingers. Naisip ko tuloy na daliri yun ng isda," ang sabi niya. Natawa tuloy ako. Bakit nga ba fish fingers ang tawag don? Inisip tuloy ng bata daliri ng isda nga yun. Pero ayun, as a kuya, in-explain ko na lang sa kapatid ko kung anu ba talaga ang fish fingers. Sa mga nagtataka din, pagkain po yun na gawa sa fish; usually kinakamay kasi para siyang french fries. Mas malaki nga lang. Kelangan mo pa bang gamitan ng utensil ang finger foods? Hehe... Kung oo, aba'y ang arte mo naman ata ate. Hindi mo maeenjoy ang finger foods kung hindi mo kakamayin. Di pa kasi ako nakakakita ng french fries na ginagamitan pa ng utensils eh. Kung nakakita ka na, ay ewan ko na lang. Saang lupalop ka ba ng mundo galing? Haha...


-An example of Fish Fingers-

Regarding sa movie, okay naman siya. Medyo boring yung first scenes, except the fighting scenes, na talagang astig. Madami daw may ayaw sa movie. Kesyo daw sa ganun, kesyo sa ganyan. Matataas din kasi ang expectations ng Dragonball fans. Isa nga naman yun sa mga paborito at sikat na anime sa japan, amerika, at pilipinas. Pero mabuting ng meron kesa sa wala, di ba? Medyo nakakabitin nga lang kasi hindi masyado nakipaglaban si Piccolo ng hand-to-hand combat; puro Chi attacks lang. Nakokornihan din ako sa hiniling nila Goku sa dragon nung nakolekta na nila lahat ng Dragonballs. Bakit yun pa ang ni-wish nila? Meron pa naman ibang mas useful na wishes, sa tingin ko. Tapos, ineexpect ko din na mag-susuper Saiyan si Goku, pero hindi naman nangyari. Ni isang hibla sa buhok nya walang naging kulay yellow. Pero malamang sa next movie na yun. May cliffhanger din kasi sa end ng movie kaya naisip ko na may kasunod pa. After ng credits yun. So, if you want to see it, you have to stay 'til the credits stop rolling.

For this movie, I'm giving 7 out of 10 rating. :)

0 comments:

Post a Comment

 
Omerta #3 ◄Design by Pocket, BlogBulk Blogger Templates